Malacañang, iginiit na walang bansa ang 100% drug free

Nanindigan ang Malacañang na walang bansa sa mundo na matagumpay na napuksa ang ilegal na droga.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos hikayatin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga magulang na ilayo ang kanilang mga anak mula sa drug addiction.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may mga masasamang tao pa rin ang patuloy na magsu-supply at magbebenta ng ilegal na droga.


Tiniyak ni Roque na ang paglaban sa ilegal na droga ay mananatiling prayoridad ng Duterte Administration.

Batay sa report ng Dangerous Drugs Board (DDB) nasa 1.67 million na Pilipino na may edad 10 hanggang 69 ang kasalukuyang gumagamit ng ilegal na droga.

Facebook Comments