Malacañang, ikinokonsidera ang pagbibigay ng pabuya para agad na maaresto si Zaldy Co

Bukas ang Malacañang sa posibilidad na magbigay ng pabuya para sa sinomang makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni dating Congressman Zaldy Co.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bagama’t wala pang napag-uusapan tungkol sa reward system, maaari itong ikonsidera ng Palasyo para mapabilis ang pag-aresto kay Co.

Mahalaga aniyang matagpuan si Co dahil sa kanya nakaturo ang mga ebidensya sa mga anomalya sa flood control projects.

Samantala, tiniyak naman ni Castro na tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Foreign Affairs sa Portuguese authorities.

Kasunod ito ng ulat ng DILG na posibleng nasa Portugal si Co pero hindi ito basta mapa-uuwi dahil walang umiiral na extradition treaty ang dalawang bansa.

Facebook Comments