Malacañang, inirekomenda sa mga Pinoy na wag munang mamasyal sa Hong Kong

Inirekomenda ng Palasyo ng Malacañang sa mga kababayan natin na wag na munang magpunta sa Hong Kong.

Ito ay bunsod ng nagpapatuloy na kilos-protesta kaugnay sa kontrobersyal na extradition bill.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Spokesman Salvador Panelo, hindi tamang panahon upang magpunta ngayon sa Hong Kong dahil sa nagpapatuloy na gulo at dahil marami ring kanseladong flights.


Kasunod nito, muling sinabi ni Panelo na hindi pa napapanahon upang ipatupad ang deployment ban sa Hong Kong.

Paliwanag nito, mahigpit ang ginagawang pagmomonitor ngayon ng Department of Labor & Employment sa ating mga kababayan.

Magkagayunman, muling nagpaalala ang Palasyo sa mga Pinoy sa Hong Kong na umiwas sa mga matataong lugar at wag makisali sa anumang demonstrasyon.

Facebook Comments