Friday, February 27, 2026

Malacañang, inungkat ang lumang banat ni FPRRD na ‘drama queen’ si VP Sara

Tinabla ng Malacañang ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na iniiwasan umano siyang imbitahan ng ilang grupo dahil takot ang mga ito na mapag-initan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa press briefing, inilabas ni Palace Press Officer Claire Castro ang isang lumang balita kung saan tinawag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang anak na “drama queen.”

Ayon kay Castro, kung mismong ama umano ng bise presidente ang nagbansag sa kanya ng ganoon at minsan na ring nagsabing nagsisinungaling ito, paano raw ito paniniwalaan ng publiko ngayon.

Giit ni Castro, walang dahilan para matakot ang sinuman sa administrasyon, at iginiit na hindi ito nanggigipit ng mga grupo na nag-iimbita sa bise presidente.

Matatandaang naging emosyonal si VP Sara sa isang talumpati sa Davao City, kung saan inihayag niyang may mga imbitasyong biglang kinakansela dahil umano sa takot na mapag-initan ng pamahalaan.

Facebook Comments