
Ito ang mga binitawang salita ng Malacañang laban kay Vice President Sara Duterte matapos nitong kuwestiyunin kung may Pilipinas pa ba pagsapit ng 2028.
Ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro, tila “bulag” umano ang bise presidente sa mga ginagawa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Imbes na magbigay ng suporta sa mga programa at proyekto ng pamahalaan, mas pinipili umano nitong magbitaw ng mga kritikal na komento.
Dagdag pa ng Palasyo, kung tunay na may malasakit sa bansa, mas makabubuti umanong makiisa sa mga hakbang ng gobyerno kaysa magtanong kung may kinabukasan pa ang Pilipinas.
Facebook Comments










