Pinalilipat ng Malacañang, ang Development Academy of the Philippines (DAP) sa National Economic and Development Authority (NEDA) mula sa Office of the President.
Ang kautusan ay batay inilabas ng Executive Order (EO) No. 45 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Nakasaad sa EO, na ang hakbang ay bahagi ng rightsizing policy ng pamahalaan.
Dapat rin ang malakas na ugnayan sa pagitan ng NEDA at DAP upang mapaigting ang development at pagpapatupad ng human resource development programs, research, data collection, at information services ng DAP.
Maging para masiguro ang tuloy-tuloy na research nito, pag-aaral at pagsasanay para sa socioeconomic agenda.
Itinatag ang DAP upang maisulong at suportahan ang pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng human resource programs na layuning hubugin ang development perspective at advance management capability sa mahahalagang sektor ng pamahalaan at ng ekonomiya.
Habang ang NEDA ang pangunahing ahensya na responsable sa pagbuo ng tuloy-tuloy, coordinated, at fully integrated na mga polisiya, plano at programang pang-ekonomiya.