Malacañang, ipinag-utos sa subcontractors na pabilisin ang distribusyon ng AstraZeneca at Pfizer vaccines

30

Aatasan ng Malacañang ang mga subcontractors na pabilisin ang deployment ng AstraZeneca at Pfizer COVID-19 vaccines para magamit ang mga ito bago ang nakatakdang expiration nito.

Ito ang sinabi ng Palasyo sa harap ng pangamba ng ilang sektor na nasa dalawang milyong bakuna ang masasayang dahil sa mabagal na distribution process.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pamamadaliin na ang vaccine distribution dahil kailangan nang buksan ang ekonomiya.

Pagtitiyak niya na hindi mabagal ang proseso sa halip ay may mga sinusunod lamang na procedures para masigurong dekalidad ang mga bakuna.

Sa ngayon, ang vaccine supply ng Pilipinas ay higit-kumulang 7.78 million – sapat para mabakunahan ang nasa 3.57% ng kabuoang populasyon.

Facebook Comments