Malacañang, ipinagmamalaki ang pagpasok ni Alex Eala sa semi-finals ng Miami Open

Nagpaabot ng pagbati ang Malacañang sa pagpasok ni Alex Eala sa quarterfinals matapos talunin si Iga Swiatek na ikalawa, at 5-time grandslam champion sa larangan ng tennis.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, isang karangalan na panibagong Pilipino na naman ang namamayagpag sa international stage, partikular sa Miami Open, o ang annual professional tennis tournament na ginaganap ngayon sa Florida.

Ipinagmamalaki aniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at ng Palasyo ang tagumpay ni Eala na tagumpay rin ng mga Pilipino.


Dagdag pa ni Castro, hindi pa rito natatapos ang pasasalamat ng gobyerno sa Filipino tennis sensation at sa iba pang Pilipino na patuloy na inuukit ang pangalan ng Pilipinas sa mga pandaigdigang patimpalak.

Dahil sa pagkakatalo ni Eala kay Swiatek, sigurado na ang pwesto nito sa Top 100 ng Women’s Tennis Association (WTA).

Facebook Comments