
Ipinaliwanag ng Malacañang kung bakit 43 na drug war deaths lamang ang dinidinig ng International Criminal Court (ICC) sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte mula 2011 hanggang 2019.
Ang datos na ito na tumayo sa ICC ay malayo sa 30,000 drug war deaths na binabanggit ng human rights groups at kritiko ng Duterte administration.
Batay rin sa police records, higit 7,000 ang namatay sa official anti-drug operation mula 2016 hanggang 2022.
Pero ayon kay Palace Press Office USec. Claire Castro, ang pag-prisenta kasi ng ebidensya sa korte ay hindi naman ang kabuuang 30,000 na kaso ng pagkamatay.
Hindi kasi aniya didinggin ang isang kaso sa korte kung hindi ito nabibigyan ng maayos na dokumento at hindi kumpleto ang materyales.
Paliwanag pa ni Castro, kahit dito sa Pilipinas, tsaka pa lamang tumatayo ang isang kaso, masasabing may probable cause, at didinggin sa korte kung properly documented.
Dagdag pa ni Castro, nasa pagpapasya na rin ng ICC prosecution sa pagtatapos ng pagdinig kung matatawag pa rin bang crimes against humanity ang 43 na kaso ng extrajudicial killings
Samantala, sinabi naman ni Castro na nagsagawa rin ng independent investigation ang Deparment of Justice (DOJ) kaugnay sa mga kaso ng extrajudicial killings (EJK).
Noong November 2024, bumuo ng task force ang DOJ na siyang magre-review, bubuo ng case build up, magsasampa ng kaso, at makikipag-ugnayan sa imbestigasyon ng House QuadComm at Senate Blue Ribbon committee kaugnay sa EJK cases ng Duterte administarion.