Malacañang, ipinasa na sa DBM ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga tsuper kasunod ng patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo

Nasa Department of Budget and Management (DBM) na ang mga dokumentong isinumite ng Department of Transportation (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay ng posibilidad na mabigyan ng fuel subsidy ang mga tsuper ng pampublikong transportasyon.

Tugon ito ng Malacañang sa gitna na rin ng iginigiit ni Senador Grace Poe na bigyan na ng subsidiya ang mga tsuper kasunod ng walang humpay na oil price hike.

Ayon kay Acting Presidential Spox at Cabinet Sec. Karlo Alexei Nograles, pinag-aaralan ngayon ng DBM ang budget law for 2022 partikular na ang special provision ng fuel subsidy.


Nakalagay aniya sa budget law na ilalabas lamang ang pondo sa sandaling pumalo na sa 80 dolyar kada bariles ang Dubai crude sa tatlong magkakasunod na buwan.

Bahala na ani Nograles ang DBM na maglabas ng kanilang interpretasyon tungkol dito at mag-determina kung ang mga nakaraang development sa oil price hike ay maaari ng magsilbing susi upang ipatupad ang fuel subsidy program, base sa 2022 GAA.

Facebook Comments