Malacañang, ipinauubaya kay VP Leni ang next move

Nasa kamay ni Vice President Leni Robredo ang susunod na hakbang.

Ito ang pahayag ng Malacañang matapos ihayag ng Bise Presidente na umaasa siyang maisasantabi nila ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang pagkakaiba at magtulungan para sa bayan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dalawang beses nang itinalaga si Robredo ni Pangulong Duterte kaya mas mainam na siya naman ang gumawa ng inisyatibo.


Matatandaang naging maalat ang relasyon ng Pangulo at Pangalawang Pangulo dahil sa isyu ng hashtag #NasaanAngPangulo nang tumama ang serye ng mga bagyo sa bansa.

Si Robredo ay itinalaga ni Pangulong Duterte bilang chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) pero nagbitiw siya dahil sa magkakasalungat nilang prinsipyo.

Maikli naman ang panunungkulan ni Robredo bilang co-chairperson sa Inte-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Facebook Comments