
Ipinauubaya na ng Malacañang sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang pagpapasya kung dapat gawing bukas sa publiko ang mga pagdinig kaugnay ng iniimbestigahang maanomalyang flood control projects.
Sa kabila ng lumalakas na panawagan para sa transparency, iginiit ng Palasyo na hindi ito makikialam sa magiging hakbang ng ICI.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng malinaw at tapat na imbestigasyon, ngunit hindi siya magdidikta sa komisyon.
Giit ng Malacañang, ang ICI lamang ang may kapangyarihang magdesisyon kung mananatiling pribado o bubuksan sa publiko ang pagdinig sa naturang anomalya.
Facebook Comments









