Malacañang, ipinauubaya na sa US kung tuluyang makakalaya si Pemberton

Nasa kamay na ng Estados Unidos kung tuluyan nilang papalayain si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Si Pemberton ay ipina-deport pabalik ng US noong nakaraang linggo matapos siyang pagkalooban ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte anim na taon matapos hatulang guilty sa pagpaslang sa Filipino transwoman na si Jennifer Laude.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ipinauubaya na nila sa US ang magiging kapalaran ni Pemberton.


Dagdag pa ni Roque na maaaring sibakin sa marines si Pemberton.

Una nang sinabi ng US Marine Corps na hindi na dadaan sa court martial proceedings si Pemberton dahil nagsilbi na siya kaniyang sentensya.

Facebook Comments