Nasa kamay ng Kongreso kung itataas o hindi ang edad para sa statutory rape sa harap ng tumataas na kaso ng teenage pregnancy sa bansa.
Ito ang pahayag ng Malacañang matapos ihayag ng Commission on Population (POPCOM) na nasa 40 hanggang 50 bata na may edad 10 hanggang 14 ang nanganganak kada linggo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, igagalang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hurisdiksyon at kapangyarihan ng Kongreso.
Nanawagan naman si Roque sa mga magulang na patnubayan ang kanilang mga anak para maiwasan ang maaga o hindi inaasahang pagbubuntis.
Mahalaga ring naituturo ng mabuti sa mga eskwelahan ang sex education.
Nabatid na ipinapanukalang itaas sa 16 na taong gulang ang edad para sa statutory rape.
Facebook Comments