Malacañang, itinanggi ang alegasyong may nakatagong agenda sa imbestigasyon ng flood control projects

Pinabulaanan ng Malacañang ang mga paratang na ginagamit umano ng administrasyon ang imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects para sa pansariling interes.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang dapat ipangamba ang publiko at mga kritiko hinggil sa masusing pagtutok ng pamahalaan sa anomalya sa flood control projects.

Ito’y matapos batikusin nina Vice President Sara Duterte at Senador Imee Marcos ang imbestigasyon, kung saan inakusahan pa ng senadora na bahagi umano ito ng plano ng gobyerno laban sa bise presidente at kanyang mga kaalyado.

Kasama sa isyung ibinabato ang aplikasyon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla bilang Ombudsman, na umano’y hakbang para kasuhan si VP Sara.

Ngunit ayon kay Castro, walang katotohanan ang mga akusasyon at bunga lamang ito ng malikhain at malikot na imahinasyon.

Facebook Comments