Tahasang itinanggi ngayon ng Malakanyang ang paratang ng mga maka-kaliwang grupo na ‘palabas’ lang ang umanoy Water Crisis upang maisulong ang konstruksiyon ng Kaliwa Dam Project.
Ayon kay Presidetial Spokesman Sec. Salvador Panelo hindi uso ang mga tinatawag nga ‘front’ at wala sa istilo ng kasalukuyang gobyerno ang pagpapakalat ng kasinungalingan.
Naniniwala si Panelo na magagawan din ng paraan ng pamahalaan na maayos ang problema sa tubig.
Binigyan diin ng kalihim na paninindigan Pangulo ang sinabi niyang gagawa ito ng paraan upang hindi magkaroon ng Water Crisis sa bansa.
Kung dati aniya’y nasolusyunan ang problema sa tubig, sinabi ni Panelo na nakatitiyak siyang mareresolba din ang kasalukuyang Water Crisis.
Nitong October 24 nang muling magpatupad ng Water Interruption ang Maynilad at Manila Water dahil umano sa bumababang lebel ng tubig sa Angat Dam.