Malacañang, itinangging hinaharang ang mga Pilipinong mangingisda sa WPS

Walang katotohanan ang mga ulat na pinagbabawalang pumasok sa ilang bahagi ng West Philippines Sea (WPS) ang mga Pilipinong mangingisda.

Ito ang sagot ng Malacañang sa pahayag ng grupo ng mga mangingisda na hinaharang pa rin sila ng mga barko ng China.

Hindi naniniwala rito si Presidential Spokesperson Harry Roque at palagi niyang kinukumusta ang mga dati niyang kliyente, maging sa local government unit (LGU) ng Masinloc sa Zambales at iba pang lokal na pamahalaan sa Pangasinan.


“Alam ko po, I have personal knowledge, na halos lahat po sila ay nakabalik na sa kanilang hanapbuhay, lalung-lalo na diyan sa Borough,” sabi ni Roque.

Sa kabila nito, tiniyak ni Roque na sisilipin ang mga naturang reports.

Facebook Comments