Malacañang, itinangging hindi patas ang pamamahagi ng COVID-19 vaccines

Tiniyak ng Malacañang na patas ang pamamahagi ng COVID-19 vaccines sa bansa.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos magreklamo ang ilang Local Government Units (LGUs) na mas ipinaprayoridad ng pamahalaan ang NCR plus bubble pagdating sa vaccination program.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang pinapaboran ang pamahalaan pagdating sa vaccine distribution.


Aniya, ang pamamahagi ng mga bakuna ay nakabatay din sa siyensya.

Nagpapadala ng maraming supply ng bakuna sa mga lugar na may mataas na COVID-19 cases.

Punto pa ni Roque na walang dapat ipinagmalaki sa pagbibigay ng bulto ng vaccine supply sa NCR plus.

Ang mataas na bilang ng COVID-19 cases sa NCR plus bubble ay senyales na hindi sinusunod ng mga tao ang health protocols.

Target ng pamahalaan na magkaroon ng population protection sa NCR plus pagsapit ng Nobyembre.

Facebook Comments