Itinanggi ng Malacañang na masyadong naantala ang pagpapalabas ng gobyerno ng calamity fund mula 2020 at 2021 sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kung mayroon mang pagkaantala ay bahagya lamang ito lalo’t may mga prosesong pinagdadaaan bago magamit ang pondo na alinsunod sa Commission on Audit (COA).
Aniya, hindi lang din isang beses nangyayari ang mga kalamidad kaya ginagamit lang ang pondo kapag mayroon ng “request” para rito.
Paalala pa ni Roque ang pagpapalabas ng calamity fund ay kinakailangan din ang pag-apruba ng Pangulo .
Facebook Comments