
Mariing itinanggi ng Malacañang ang kumakalat na ulat tungkol sa umano’y pangha-harass sa convoy ng isang “presidential son” sa North Luzon Expressway o NLEX.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez, walang naganap na insidente na kinasasangkutan ng sinumang anak ng Pangulo.
Batay sa kumalat na social media post, sinasabing hinarang umano ng tatlong sasakyan ang dinadaanan ng presidential son at may tinatayang 15 lalaki ang bumaba mula sa mga sasakyang rehistrado sa isang munisipalidad sa Bulacan.
Sinakop umano ng mga sasakyang rehistrado sa Bulacan ang tatlong linya ng NLEX.
Nang mag-overtake ang sasakyan ng presidential son, dito na raw nagsimula ang sinasabing harassment.
Facebook Comments










