Malacañang, itinangging mayroong exodus sa mga POGO 

Mariing itinanggi ng Malacañang na mayroong exodus sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang requirements ng Department of Finance (DOF) para sa muling pagbabalik ng POGO operations ay malinaw. 

Aniya, nasa 20 mula sa 60 lamang ang sumunod sa requirements ng DOF. 


“Hindi naman po exodus ‘yan dahil malinaw naman po ang naging polisiya ng Department of Finance: Pay up otherwise hindi kayo pupuwedeng mag-POGO operations dito,” ani Roque. 

Pero sinabi ni Roque na mayroong POGO operator ang umalis ng bansa dahil pinaghihinalaan ito ng Chinese Government na pinopondohan ang mga demonstrador. 

Iginiit din ni Roque na dapat matuwa ang mga kritiko ng POGO lalo na at nababawasan ang mga nag-o-operate nito sa bansa. 

Sa datos ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), aabot sa 94.7 billion pesos ang naiaambag ng POGO sa ekonomiya ng Pilipinas na maaaring umabot ng hanggang 104 billion pesos. 

Facebook Comments