Malacañang, itinangging nanghihimasok ang Cabinet officials sa COVID-19 response ng mga LGU

Pinabulaanan ng Malacañang na nanghihimasok ang mga Cabinet official sa pagtugon ng Local Government Units (LGUs) sa COVID-19 community transmission.

Nabatid na nanawagan si Senator Risa Hontiveros na imbestigahan ang pagtatalaga sa Cabinet members bilang “big brothers” at “big sisters” ng mga local official sa pagpapatupad ng mga hakbang para malabanan ang virus.

Para kasi kay Hontiveros, ang set up na ito ay maituturing na “toxic micromanagement” para sa pandemic response sa Metro Manila.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mali ang interpretasyon ni Hontiveros at walang nangyayaring panghihimasok.

Tinatanong sa mga LGU kung paano makatutulong ang national government sa kanila.

Aniya, nagbibigay lamang sila ng suporta sa mga LGU.

Para kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., kailangan ng epektibong implementasyon ng COVID-19 measures hanggang sa barangay level.

Ang pagtatalaga ng Cabinet Secretaries sa mga LGU ay layong matiyak na ang mayroong unity sa pagpapatupad ng National Action Plan (NAP) sa pandemic response ng pamahalaan.

Facebook Comments