Tiniyak ng Palasyo ng Malacanang na hindi palalampasin ng Pamahalaan at kakasuhan at lilitisin ang sinomang banyaga na iligal na pumasok sa Exclusive Economic Zone na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, anomang nakasaad sa umiiral na batas sa Pilipinas ay ipatutupad ng pamahalaan.
sinabi ni Panelo na kapag nakitang nilalabag ng sinoman ang batas na umiiral sa bansa ay kakasuhan at parurusahan ng Gobyerno ang sinomang mahuhuli sa nasa loob ng Exclusive Economic Zone o EEZ ng Pilipinas.
Wala namang malinaw na pahayag si Panelo kung ano ang polisiya ng Pilipinas o kung papayagan ba ni Pangulong Duterte ang mga mangingisda mula sa anomang bansa sa EEZ ng Pilipinas.