
Kinalampag ng Malacañang ang Kongreso na bilisan ang trabaho sa 2026 national budget para hindi ito mauwi sa reenacted budget.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ayaw itong mangyari ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil maaantala ang mga programa ng gobyerno.
Sa kabila ng abalang dulot ng sunog sa gusali ng Senado, iginiit ni Sen. Win Gatchalian na nasa tamang direksiyon pa rin ang takbo ng budget deliberations.
Kasalukuyan nang inaayos ng Senado ang mga amyenda bago ang nakatakdang ikatlong pagbasa sa Disyembre 9.
Oras na matapos ito ay may isang linggo na lang ang Senado para plantsahin ang lahat ng dokumento bago itabla sa bicameral conference committee kasama ang Kamara para sa pinal na bersyon ng pambansang pondo para sa 2026.









