Malacañang, kinikilala ang papel ng mga human rights defenders

Kinikilala ng Malacañang ang papel ng human rights defenders.

Matatandaang sinabi ni dating Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Loretta Ann Rosales na si Pangulong Rodrigo Duterte ang pinakamalaking kaaway ng human rights habang ginugunita kahapon ang Human Rights Day.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa sandaling huminto at manahimik ang mga ito ay hihina ang organisasyon.


Naiintindihan nila na ang CHR at iba pang human rights group ay palaging may panawagan sa gobyerno dahil nais nilang sumunod ang mga ito sa batas.

Aniya, trabaho ng rights groups na tawagin ang atensyon ng pamahalaan.

Samantala, patuloy ang pamahalaan na nakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya at organisasyon, mapa-lokal man o international na nagsusulong ng karapatang pantao at mapahusay ang trabaho ng mga law enforcers.

Facebook Comments