Malacañang, kinilala ang sakripisyo ng mga OFW ngayong Migrant Workers’ Day

Kinilala ng Palasyo ng Malacañang ang sakripisyo ng Overseas Filipino Workers, ngayong Migrant Workers’ Day.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang sakripisyo ng mga OFW ay nagdadala ng kaunlaran sa mga Pilipino.

Sang-ayon din umano ito sa temang “Bagong bayani, kaagapay sa bagong Pilipinas.”


Tiniyak din ng Malacañang na patuloy na ipagmamalaki ang mga OFW at isusulong ang kanilang kapakanan.

Facebook Comments