Pinasinungalingan ng Malacañang ang mga alegasyong ang pwersa ng pamahalaan ang nasa likod ng pagpatay sa dalawang aktibista.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagpaslang sa human rights advocate Zara Alvarez at peace consultant Randall ‘Randy’ Echanis ay patuloy pa ring iniimbestigahan.
Ang pagturo sa state forces na nasa likod ng mga pagpatay ay walang batayan.
Mahalagang hintayin na lamang ang formal report mula sa mga awtoridad.
Nabatid na si Alvarez ay pinaslang nitong Lunes nang gabi sa Bacolod City, isang single mother at dating campaign at education director at paralegal ng human rights group na Karapatan.
Nitong August 10, napatay naman si Echanis sa kaniyang inuupahang bahay sa Quezon City.
Facebook Comments