Malacañang, kinumpirmang may alok na bagong posisyon kay ex-PNP Chief Torre

Kinumpirma ng Malacañang na may inaalok na bagong posisyon sa gobyerno para kay dating Philippine National Police o PNP Chief General Nicolas Torre matapos ang kanyang pagkaka-relieve sa puwesto.

Pero ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, hindi pa maaaring ibunyag ang detalye tungkol sa naturang posisyon, dahil hinihintay pa ang tugon ni Torre sa alok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Gayunpaman, tiniyak ni Castro na bahagi ito ng patuloy na pagtitiwala ng administrasyon kay Torre.

Kailangan din aniyang irespeto ang wisdom ng pangulo sa ginawang pagtanggal nito kay Torre.

Nagkausap naman aniya ang pangulo at si Torre at naiiintindihan aniya ng opisyal ang naging pasya ng pangulo.

Facebook Comments