Malacañang, kinumpirmang sinertipikahang urgent ni PBBM ang postponement ng BARMM Election

Kinumpirma ng Malacañang na sinertipikahang urget ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagpapaliban sa kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa May 2025.

Nauna nang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may nakikitang puntos ang Malacañang sa mga mungkahi na ipagpaliban BARMM Election.

Ilan sa mga dahilan ng mungkahi ay ang hindi pa nalulutas na petisyon na kumukuwestiyon sa constitutionality ng Bangsamoro Electoral Code of 2023, ang hindi pagkakabilang ng Sulu sa BARMM, at kahilingan ng Commission on Elections (COMELEC) na dagdag na panahon para mapaghandaan ang halalan.


Una na ring kinumpirma ni Senate President Chiz Escudero ang impormasyon kahapon.

Dahil dito, inaasahang maipapasa na ito ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa sa susunod na linggo.

Ayon kay Escudero, kailangang madaliin na ito dahil sa ikalawang linggo ng Pebrero ay mag-a-adjourn na ang sesyon ng Kongreso para bigyang daan ang campaign period para sa 2025 midterm elections.

Facebook Comments