Malacañang: Kumakalat na dokumentong nagde-deklarang Holiday sa araw ng Lunes para sa Eid’l Fitr, fake news

Nilinaw ng Palasyo ng Malakanyang na hindi idineklarang holiday ang Eid’l Fitr ngayong darating na Lunes, March 11, 2024.

Sa Facebook post, sinabi ng Official Gazette na fake news ang kumakalat na dokumentong may label na “Proclamation No. 729,” na nagsasabing idineklara na ang Marso 11 bilang isang nationwide regular holiday sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng anumang deklarasyon ang Palasyo kaugnay sa pagdiriwang.


Ayon pa sa Official Gazette, ang naturang dokumento ay isang tampered o pinakialaman na bersiyon ng Proclamation No. 729, s. 2019, na inilabas ni dating Executive Secretary Salvador Medialdea noong nakaraang administrasyon.

Ang Eid al-Fitr o ang “Festival of Breaking the Fast” ay isang Islamic festival na tanda ng pagtatapos ng fasting month o Ramadan.

Facebook Comments