Malacañang, kumipiyansang hindi tayo gagamit ng reenacted budget sa 2022

36

Kumpiyansa ang Palasyo ng Malacañang na hindi tayo gagamit ng reenacted budget para sa susunod na taon.

Ito ay sa kabila ng banta ng Pangulong Rodrigo Duterte na harangin ang paglalabas ng pondo sa gitna ng alitan sa pagitan niya at ng ilang senador.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naniniwala siyang gusto ng mga mambabatas na maipasa ang budget sa tamang panahon lalo na’t karamihan sa kanila ay tatakbo sa 2022 elections.


Iginiit pa ni Roque na sa mga mambabatas babagsak ang sisi kapag hindi agad naipasa ang budget at hindi kay Pangulong Duterte.

Sa kasalukuyan, tinatalakay pa rin sa Senado ang panukalang 2022 national budget habang naipasa na ng Kamara ang kanilang sariling bersyon noon pang September 30.

Facebook Comments