Malacañang, kumpiyansang hindi uusad sa Korte ang mga kukwestiyon sa legalidad ng nilagdaang 2025 national budget

Umaasa ang Palasyo ng Malacañang na walang kukuwestiyon sa nilagdaang ₱6.326 trillion na 2025 National Budget ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, naaayon kasi sa Konstitusyon ang pinirmahang budget at wala ring makakapigil kung sakaling mayroong kumwestiyon sa legalidad ng 2025 General Appropriations Act.

Mabusisi aniya itong tinrabaho ni Pangulong Marcos at maingat ang pangulo sa paggawa ng desisyon hinggil sa pondo.

Naging motibasyon daw ng pangulo dito ay ang kakulangan ng source of funds ng gobyerno kaya nararapat lamang na mapunta sa mga karapat-dapat na proyekto at programa ang pondo ng bayan.

Sang-ayon naman ang Budget Department sa pahayag ni Bersmin kahit pa ginamit ng Pangulo ang kaniyang veto power para sa ilang line item.

Welcome rin sa ahensya ang hindi pagpayag ng pangulo na magkaroon ng reenacted budget para sa susunod na taon.

Facebook Comments