
Kumpiyansa ang Malacañang na matatapos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang termino hanggang 2028.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, tuloy-tuloy ang pagtatrabaho at pagiging hands-on ng pangulo sa mga isyu ng bansa.
Giit pa ni Castro, mas paniniwalaan umano ng publiko at ng uniformed personnel ang lider na aktibong kumikilos, hindi ang mga opisyal na madalas umanong magbakasyon o nasasangkot sa kontrobersiya, lalo na sa isyu ng confidential funds.
Hindi rin aniya papayag ang militar at pulisya na ibagsak ang gobyerno para lamang palitan ito ng mga personalidad na may bahid ng korapsyon.
Para sa Palasyo, malinaw sa security forces kung sino ang tunay na nagtatrabaho at sino ang nanggugulo sa administrasyon.
Facebook Comments









