
Tiwala ang Malacañang sa takbo ng imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay sa mga anomalya sa infrastructure projects ng gobyerno.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, maayos at patas ang pagdinig ng ICI.
Maging mga senador at kongresista na ipinapatawag ay nakikipagtulungan at nagbibigay ng kanilang paliwanag.
Nanawagan din si Castro sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon laban sa ICI na itigil na ang paninira dahil hindi ito nakakatulong sa ekonomiya.
Gayunpaman, bukas pa rin naman aniya ang palasyo sa mga suhestiyon para mapaganda pa ang proseso ng imbestigasyon, ngunit nananatiling buo ang tiwala ng administrasyon sa ICI.
Facebook Comments









