Nangako ang Malacañang na magsusumite sa Kongreso ng monthly report hanggang sa katapusan ng taon bilang bahagi ng implementasyon ng Bayanihan to Recover as One Law (Bayanihan 2).
Nabatid na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bayanihan 2 na naglalaan ng ₱165.5 bilyon para palakasin ang COVID-19 response ng pamahalaan at suportahan ang mga industriya at sektor na naapektuhan ng pandemya.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, nananatiling committed ang Duterte administration sa pagtataguyod ng transparency at accountability.
Dagdag pa ni Andanar, mapapahusay pa ang healthcare system ng bansa at mas marami pa ang matutulungan sa ilalim ng Bayanihan 2 sa sektor ng agrikultura, turismo, transportasyon at iba pa.
Ang stimulus package plan ay nagkakahalaga ng ₱140 bilyon na halaga ng regular appropriations at additional standby fund na nasa ₱25.5 bilyon.
Ang pondo ay gagamitin para mapanatili ang proactive responses ng gobyerno kasabay ng unti-unting pagbubukas ng ekonomiya.