Malacañang, magtatayo ng Presidential Desk para tutukan ang mga financial at medical request para sa Office of the President

Isang Presidential Help Desk ang itatayo ng Marcos administration para tutukan ang mga financial at medical request for assistance na isinu-sumite ng publiko sa Office of the President (OP).

Ayon kay Presidential Communication Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, ang help desk na ito ay tutulong sa mga umiiral nang health services at projects ng gobyerno, sa pamamagitan ng pagbibigay ng accessible at direktang financial at medical assistance sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Ayon kay Sec. Garafil, sa unang anim na buwan ng Marcos administration, ang OP, naka-tanggap ng 52,728 action documents mula sa publiko.


Mula sa bilang na ito, 20% ang mayroong kinalaman sa medical concerns o financial aid request para sa medical procedures at hospital bills.

Ang Presidential Action Center o PACe ang mangangasiwa sa help desk na ito.

Inaatasan ng Palasyo ang PACe na mag-sumite ng annual report sa Office of the Executive Secretary (OES), kaugnay sa operasyon ng Presidential Help Desk.

Facebook Comments