Wednesday, February 4, 2026

Malacañang, masaya sa pagkakabasura ng impeachment complaints laban kay PBBM

Ikinatuwa ng Malacañang ang pagbasura ng House of Representatives sa dalawang reklamong impeachment laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos ideklarang kulang sa basehan ang mga ito.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Atty. Claire Castro, masaya ang pangulo sa desisyon dahil nasunod ang tamang proseso.

Bagama’t hindi napanood ng pangulo ang botohan dahil nasa magkahiwalay na pulong ito noon, agad naman siyang naabisuhan sa resulta.

Dagdag pa ni Castro, malinaw sa mga mambabatas at ilang eksperto na walang merito ang mga reklamo.

Ngayong tapos na ang usapin, muling nakatuon ang pangulo sa pag-angat ng buhay ng mga Pilipino.

Mensahe naman ng Palasyo sa mga kritiko na umusad na at magkaisa para sa muling pagsigla ng ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments