Malacañang, may hamon sa mga nagsasabing peke ang larawang pinost ni FL Liza Marcos

Hinamon ng Malacañang ang mga nagsasabing edited ang larawang ipinost ni First Lady Liza Araneta Marcos sa social media na kuha sa isang Asian Cultural Council meeting sa Pangarap Clubhouse sa Malacañang Park noong March 21.

Ayon kay Palace Press Office Claire Castro, dapat maglabas ng ebidensya ang mga fake news vlogger para mapatunayang edited ang larawan ng Unang Ginang.

Ang madalas naman aniyang pumupuna ay ang mga hindi nakakasama sa mga ganitong klase ng pagpapupulong na nagpapanggap na alam nila ang lahat.


Nagsimulang kuwestiyunin ng publiko ang kinaroroonan ni FLAM matapos ipakalat ng ilang vlogger na nakakulong ang Unang Ginang sa US.

Pero nauna nang sinabi ni Castro na dumating si FL Liza sa Pilipinas noong March 10.

Nasa Amerika ang First Lady para sa isang working visit mula March 4 hanggang March 8.

Nitong March 15 naman ay dumalo ang Unang Ginang sa awarding ceremony ng Go Negosyo’s Women Summit 2025, kung saan kinilala ang ambag ng kababaihang negosyante sa larangan ng pagnenegosyo.

Facebook Comments