Malacañang, may paalala kaugnay sa anti-corruption rally ngayong araw

Pinaalalahanan ng Malacañang ang publiko na maging mapanuri at mapagmatyag laban sa mga grupong posibleng magsamantala sa nakatakdang anti-corruption rally ngayong araw.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, may ilang sektor na maaaring gamitin ang lehitimong layunin ng rally upang maisulong ang sariling interes at siraan ang pamahalaan.

Binigyang-diin din ni Castro na iginagalang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang karapatang pantao at kalayaang magpahayag, basta’t ito ay ginagawa nang hindi lumalabag sa batas.

Dagdag pa niya, naririnig ng pangulo ang pagkadismaya ng mamamayan, at tuloy-tuloy ang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects upang mapanagot ang mga tiwali.

Hinimok din ng Malacañang ang taumbayan na makiisa at tumulong upang tuluyang masugpo ang pang-aabuso sa kaban ng bayan.

Facebook Comments