Malacañang, may paalala sa mga opisyal na magbabakasyon nang matagal

Nagpaalala ang Malacañang na may pananagutan ang bawat halal na opisyal na ipaalam sa kanilang nasasakupan kung sila ay mawawala sa trabaho nang matagal, kahit personal na bakasyon ang dahilan.

Pahayag ito ng Palasyo kasunod ng paghingi ng travel clearance ni Davao City Cong. Paolo “Pulong” Duterte sa Kamara para bumiyahe sa 17 bansa sa loob ng higit dalawang buwan.

Giit ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro, walang masama kung gagamit ng sariling pera para magbakasyon ang isang opisyal.

Pero tungkulin ng opisyal na ipaliwanag sa taumbayan kung paano matutuloy ang serbisyo habang sila ay nasa malayo, lalo na kung mahaba ang pagliban.

Dagdag ng Palasyo, ang posisyong ibinigay ng taumbayan ay may kasamang responsibilidad na maglingkod, kaya’t dapat malinaw sa publiko ang layunin at epekto ng anumang mahabaang biyahe.

Facebook Comments