Tuesday, January 27, 2026

Malacañang, muling dumistansya sa kaso ni FPRRD sa ICC

Muling iginiit ng Malacañang na hindi makikialam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang pamahalaan sa kasong kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ito ang pahayag ng Palasyo kaugnay ng pinakahuling desisyon ng ICC laban sa dating pangulo.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang kinalaman ang administrasyong Marcos sa nasabing kaso at dapat ipaubaya ang usapin sa korte at sa mga abogado ng magkabilang panig.

Nauna nang sinabi ng ICC Pre-Trial Chamber na “fit” si Duterte upang humarap sa pre-trial proceedings, sa kabila ng pahayag ng kanyang kampo na may iniindang cognitive impairment ang 80-anyos na dating pangulo.

Itinakda ng ICC ang confirmation of charges hearing laban kay Duterte sa Pebrero 23, 2026, kaugnay ng kasong crimes against humanity.

Facebook Comments