Nagbabala ang Malacañang na mahaharap sa kaparusahan ang sinumang mahuhuli na bumibili o nagbebenta ng boto o vote-buying.
Ayon kay acting Deputy Presidential Spokesperson Kristian Ablan, sinuman ang mapatunayang bumibili o tumatanggap ng pera mula sa vote-buying ay pwedeng makulong at magmulta.
“The Palace reminds the Filipino people that vote-buying and vote-selling are prohibited acts under the Omnibus Election Code. So, bawal pong tumanggap at bawal din po bumili ng boto. Anyone found guilty of these prohibited acts under the Omnibus Election Code will face penalties of imprisonment and fine.” ani Ablan
Sa ilalim ng batas, ang sinumang mapatutunayang sangkot sa anumang election offense ay maaaring makulong ng hindi bababa ng isang taon hanggang anim na taon.
Hindi na rin ito papayagan na bumoto at pagbabawalan na makapasok o makapagtrabaho sa anumang public office.
Pagmumultahin din ang anumang political party na mapatutunayang sangkot vote buying.
Ang kandidato namang masasangkot sa vote-buying ay pwedeng madiskwalipika at hindi na papayagang makahawak ng posisyon sa gobyerno.