Nagbabala ang Malacañang sa mga magulang o guardian na huwag munang dalhin sa mga malls at matataong lugar ang mga bata na hindi pa pwedeng magsuot ng face mask.
Ayon kay acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, responsibilidad ng lahat na sumunod sa minimum public health standards partikular ang pagsusuot ng face mask.
Aniya, mayroong “right, responsibility and obligation” ang mga establisimyento na ipagbawal ang pagpasok ng mga indibidwal na hindi sumusunod sa COVID-19 rules na dapat siguruhin ng gobyerno na naipatutupad.
“Para sa mga menor de edad sabihin natin na mga batang-bata, mga infants lalo na na hindi naman makapagsuot ng face mask, dapat automatic na po para sa ating lahat – maging magulang, guardian, tayong mga adults – nasa responsibility na siguro natin iyan ‘no na ‘pag crowded area, ‘pag closed area, doon may close contact, hindi naman makapagsuot ng face mask so hindi natin dadalhin – okay, number one.
Number two po, pangalawa, iyong establisyemento na mismo – private or public establishments – ‘pag hindi naka-face mask, kasama mga bata diyan, huwag na lang po natin papasukin. Authority ninyo na po ‘yan, that is part and parcel of your responsibility and obligation na rin po. Huwag papasukin kung hindi naka-face mask, minimum public health standards ‘no. And number three, LGUs must strictly enforce that ‘no. And tulung-tulong po tayo dito, ito po ‘yung pinakamensahe ng IATF.” ani Nograles
Matatandaanag noong nakaraang linggo ay ipinaubaya na ng mga alkalde sa Metro Manila ang posibleng mobility curbs sa mga bata sa Inter-Agency Task Force (IATF).