Malacañang, nagbabala sa publiko ukol sa pekeng vaccination cards

Nagbabala ang Malacañang sa publiko lalo na sa mga mamemeke ng kanilang vaccination cards para sa interzonal travel.

Matatandaang niluwagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang travel restrictions para sa fulloy vaccinated individuals.

Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, makukulong ng mahabang panahon ang sinumang namemeke ng public document.


Aniya, maraming local government units (LGUs) ang naghayag ng pagkabahala hinggil dito.

Batay sa IATF resolution, ang mga interzonal travelers o yung mga bibiyahe sa pagitan ng iba’t ibang lalawigan, urbanized cities at independent component cities sa ilalim ng magkakaibang community quarantine classifications ay maaari na lamang magpakita ng kanilang vaccination cards sa halip na negatibong RT-PCR result.

Facebook Comments