Malacañang, nagbabala sa resellers ng libreng bakuna

Mahaharap sa kaukulang parusa at posibleng pagkakakulong ang sinumang nagbebenta ng libreng COVID-19 vaccines na ipinamamahagi ng gobyerno.

Ito ang babala ng Malacañang kasabay ng pagdating ng first batch ng COVID-19 vaccines sa bansa kung saan ang nasa 600,000 doses ng Sinovac vaccines na donasyon ng China ay inaasahang darating sa bansa sa Linggo, February 28.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maaaring sampahan ng kasong estafa ang mga taong maniningil sa mga gustong magpabakuna gamit ang vaccine doses mula sa gobyerno.


Dagdag pa ni Roque ang vaccine rollout ay maaaring simulan ng March 1.

Susundin pa rin aniya ang priority list kung saan unang mababakunahan ay ang mga health workers, susundan ng seniors, mahihirap at vulnerable population, at mga uniformed personnel at iba pang essential workers.

Facebook Comments