Idineklara ng Malacañang na walang pasok bukas, September 3, para sa ika-51 Founding Anniversary ng Camarines Sur.
Special non-working day rin sa Miyerkules, September 4, sa Munisipalidad ng Monkayo, Compostella Valley dahil sa 65th Founding Anniversary at 24th Kariyawan Festival.
Sa Huwebes naman, September 5, wala ring pasok sa General Santos City sa South Cotabato para naman magbigay daan sa selebrasyon ng ika-52 Inauguration Day at 21st Tuna Festival na ipinagdiriwang sa kanilang lugar.
Makakapahinga rin sa trabaho ang lahat ng nasa Cordillera Administrative Region sa September 13, araw ng Friday dahil sa komemorasyon ng 1986 Sipat Peace talks.
At sa September 21, special non-working day rin sa San Mateo Rizal bilang pagkilala sa ika-448 na Founding Anniversary ng munisipalidad.
Alinsunod sa panuntunan ng Department of Labor and Employment, makakatanggap ng 30% na dagdag sa daily wage ang sino mang papasok sa trabaho sa petsa at lugar nabanggit.