
Iprinoklama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Special (Non-Working) Days sa ilang lugar sa bansa ngayong Enero at Pebrero 2026.
Layunin ng proklamasyon na bigyang-daan ang pagdiriwang ng mga lokal na pista at mahahalagang anibersaryo sa kani-kanilang lugar.
Sa Enero 26, 2026, special non-working day sa Lungsod ng Cadiz, Negros Occidental bilang pagdiriwang ng 52nd Dinagsa Festival, alinsunod sa Proclamation No. 1143.
Sa Pebrero 2, 2026, idineklarang special non-working day sa lalawigan ng Ilocos Norte kaugnay ng 208th Founding Anniversary ng probinsya, sa bisa ng Proclamation No. 1147.
Sa Pebrero 3, 2026, special non-working day naman sa Lungsod ng Biñan, Laguna para sa paggunita ng 81st Liberation Day, ayon sa Proclamation No. 1144.
Sa Pebrero 26, 2026, idineklarang special non-working day sa Bayan ng Buug, Zamboanga Sibugay para sa Founding Anniversary at BOG Festival, sa ilalim ng Proclamation No. 1145.
Samantala, sa Pebrero 28, 2026, special non-working day sa Bayan ng Sarrat, Ilocos Norte kaugnay ng Founding Anniversary nito, alinsunod sa Proclamation No. 1146.
Hinikayat ang publiko at mga lokal na pamahalaan na makibahagi sa mga selebrasyon at sundin ang umiiral na mga patakaran sa mga nasabing petsa.










