Malacañang, naghugas kamay sa mga inihaing impeachment laban kay VP Sara

Dumistansya ang Malacañang sa mga inihaing impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, ang mga inihaing reklamo sa Kamara kahapon ay kusang loob o independent initiatives ng mga advocacy groups.

Giit pa ng kalihim, ang pag-endorso sa kanila ay prerogatibo na ng Kongreso at walang kinalaman dito ang Palasyo.


Malinaw naman aniya ang naunang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag nang pag-aksayahan ng oras ang impeachment proceedings ni VP Sara at unahin ang mas importanteng bagay.

Kahapon, inendorso ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña ang impeachment complaint na inihain ng advocacy group at mga pamilya ng mga drug war victim, dahil daw sa posibleng paglabag ni VP Sara sa Konstitusyon, graft and corruption, bribery, betrayal of public trust, at iba pang high crimes na grounds ng impeachment.

Facebook Comments