Inilabas ng Palasyo ang Memorandum Circular No. 22 na nag-uutos sa mga tanggapan ng gobyerno na magpatupad ng water conservation measures.
Ang Memorandum Circular na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong June 7, 2023 ay naglalayong mapaghandaan na ang El Niño phenomenon na magreresulta ng kakapusan ng tubig hindi lamang sa Metro Manila tatama kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sakop din ng kautusan ang mga government-owned and controlled corporation (GOCC), State Universities at Colleges (SUCs) na kung saan sila ay tinatakdaang magpatupad ng water conservation na magreresulta ng 10% water volume reduction.
Batay sa inilabas na memo circular ay hinihimok ang mga kinauukulan na agad kumpletuhin ang kanilang mga proyekto at i-upgrade ang kanilang mga water distribution pipe.
Inaatasan din ang Water Resource Management Office na i-monitor ang compliance ng concerned government agencies maliban pa sa kailangang magsumite sila ng quarterly update.