Malacañang, naglabas ng Memorandum circular na pinapayagan ang work-from-home arrangements sa mga opisina ng gobyerno at asynchronous classes para sa mga public schools sa October 31

Naglabas ang Office of the President ng Memorandum Circular No. 38, na pinapayagan ang work-from-home arrangements sa mga opisina ng gobyerno at asynchronous classes para sa mga public schools sa October 31.

Ang Memorandum Circular ay pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Nakapaloob sa Memorandum Circular, na para magkaroon ng sapat ng panahon ang mga empleyado ng gobyerno na gunitain ang All Saints Day sa November 1 at magkaroon ng mas maraming oras para bumiyahe lalo na ang mga nagbabalik galing sa iba’t ibang lalawigan sa bansa.


Facebook Comments